Biyernes, Oktubre 11, 2013

ang aking bayani: ang aking ina


                 " ANG AKING BAYANI: ANG AKING INA"


    Ang aking ina ang itinuturing kong bayani ng aking buhay. Mula palang ng isinilang nya ko dito sa mundo, wala na syang ibang inisip kundi ang ikabubuti ko balang araw. Wala syang inisip kundi ang kapakanan ko. Sya ang gumabay sakin, laging andyan para alalayan ako, tignan ang bawat araw kung paano  ko hinaharap ang mundo. Sya din ang nagtuturo sakin ng tama at mali. Kapag dumadating sa puntong wala akong kasama at makausap sa bawat problemang dumadating sa buhay ko, lagi syang andyan para tabihan ako at handang makinig sa lahat ng problema ko. Lagi syang nagiging MABUTING KAIBIGAN sakin sa hirap man o ginhawa. 
          Bilang isang single parent, kinakaya ng aking ina ang lahat para lang wag kaming mapabayaan, nakita ko ang bawat pawis na tumutulo sa kanyang noo dahil sa kanyang pagtatrabaho, para lang maibigay samin ang bawat pangangailangan namin. Kahit na wala ng matira sa kanya, ibibigay nya parin sa aming mga anak nya. Lahat ng bagay kinakaya nya, hanggat maaari ipinapakita nya sa amin na hindi sya nahihirapan, para lang wag kami mabigyan ng kahit na anumang isipin, o pag-aalala.
          Walang ibang tao ang makakagawa nito para samin o satin kundi ang ating mga INA lang. Lagi nilang unang iniisip kung anu ang makakabuti sa atin kahit na wala ng matira para sa kanila, ayos lang. Dahil walang ibang mahalaga sa kanila kundi ang ating ikakabuti. Pahalagahan natin sila ng higit pa sa oagpapahalaga natin sa ating mga sarili. Hanggat maari iparamdam natin sa kanila na sa bawat araw na pinagdadaanan nila para lang mairaos tayo, ay iparamdam natin sa kanila ng triple ang kung gaano sila kahalaga sa atin. Hindi sa bawat oras ay nandyan sila para gabayan tayo. Kaya mahalin natin sila, ng higit pa sa pagmamahal nila sa atin.

Huwebes, Setyembre 26, 2013

AUTHORITY AND OBIDIENCE

   
                                authority and obedience


    Otoridad ang salitang may kalapit na pagsunod ito'y batas na nagsasaad na kailangan sumunod sa palatuntunan na ito.Kailangan itong isabuhay ng isang tao upang maging mabuting mamayan at kalugod-lugod sa mata ng iba.Sabi nga nila ang kamang-mangan ay walang lusot sa otoridad ito'y ipinatutupad ng may mataas na katungkulan sa ating pamahalaan katulad ng ating presidente na nag aapruba ng mga batas na ito.


     Ang Pagsunod o tinatawag na "OBIDIENCE" ay may kasamang OTORIDAD na hindi dapat baliwalain nino man.Ang sabi nga ng iba ang otoridad ay ipinatupad mula ng likhain ng ating manlalalang ang lahat ng bagay sa mundo.Ito'y pinatunayan ng bibliya.Dito unang makikita ang salitang otoridad, kung saan inutos ng diyos na huwag kainin ang prutas na ipinagbabawal niya at pinayagan niya na kainin ang lahat ng halamang prutas na makakain.Hindi lang ito sa ating pamayanan mauumpisahan nating kabataan ang salitang OTORIDAD katulad nalang ng pagsunod ng mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan at ng ating pamilya.Katulad nalang ni nanay na may otoridad sa bahay sa pag-uutos sa iyo ng gawaing bahay at si tatay na katulad ni nanay na may otoridad din sa bahay ika'y kailangang sumunod sa ipinag-uutos niya.

Martes, Setyembre 17, 2013

aking pananaw sa kumakalat na sex scandals

             ANG AKING PANANAW SA MGA KUMAKALAT NA SEX SCANDALS NGAYON

          Sa panahon ngayon, madami ng kabataan ang naloloko sa internet at hindi naman na iba sa ating kaisipan na ang isip ng mga kabataan ngayon ay sobrang ng "advance" kumpara sa mga matatanda o may edad na. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay iba na ang pag-iisip. Wag lang may bagong marinig ay susubukan o titignan na agad ang mga website na naglalaman ng mga kagaya nito.
        Karamihan na nga sa ngayon ang ating mga napapanood sa internet ay puro mga hinahangaan nating mga artista. Karamihan pa sa kanila ay ang madalas nating napapanuod araw-araw sa telebisyon. Pag naririnig ko ang mga bagay na ito ay talaga naman nangingilabot ako dahil naiisip ko na sila ay mga pamilyadong tao na at maganda naman ang estado sa buhay kung ikukumpara sa iba. Ng dahil dito, nasisira ang kanilang mga pamilya at lalo na ang buhay ng kanilang mga anak.
      Dapat ang mga ganitong bagay ay hindi na para ilabas pa sa kung saan-saang website. Dahil hindi lang naman pamilya nila ang naapektuhan kundi pati narin ang mga kabataan na kung tutuusin ay hindi pa dapat nakakapanuod ng mga ganitong klaseng bagay o palabas. Ang problema naman kasi sa mga gumagawa nito ay bakit kelangan pa nila videohan at i'post pa sa internet ang kanilang mga ginagawa. Nawawalan lang sila ng dignidad sa kanilang sarili at pati ang respeto sa kanila ng mga tao ay nawawala rin. Hindi na maiiwasan ng tao na matawa o magsabi ng mga negatibong bagay pag nakikita nila ang mga taong sangkot sa ganitong klaseng mga video..
     Sana sa susunod ay wag naman ng i'post pa ang mga ganitong klaseng bagay sa internet at wag na sana pang magpakalat ng mga ganito para respeto na din sa mga taong sangkot dito at sa mga pamilya nila.