Biyernes, Oktubre 11, 2013

ang aking bayani: ang aking ina


                 " ANG AKING BAYANI: ANG AKING INA"


    Ang aking ina ang itinuturing kong bayani ng aking buhay. Mula palang ng isinilang nya ko dito sa mundo, wala na syang ibang inisip kundi ang ikabubuti ko balang araw. Wala syang inisip kundi ang kapakanan ko. Sya ang gumabay sakin, laging andyan para alalayan ako, tignan ang bawat araw kung paano  ko hinaharap ang mundo. Sya din ang nagtuturo sakin ng tama at mali. Kapag dumadating sa puntong wala akong kasama at makausap sa bawat problemang dumadating sa buhay ko, lagi syang andyan para tabihan ako at handang makinig sa lahat ng problema ko. Lagi syang nagiging MABUTING KAIBIGAN sakin sa hirap man o ginhawa. 
          Bilang isang single parent, kinakaya ng aking ina ang lahat para lang wag kaming mapabayaan, nakita ko ang bawat pawis na tumutulo sa kanyang noo dahil sa kanyang pagtatrabaho, para lang maibigay samin ang bawat pangangailangan namin. Kahit na wala ng matira sa kanya, ibibigay nya parin sa aming mga anak nya. Lahat ng bagay kinakaya nya, hanggat maaari ipinapakita nya sa amin na hindi sya nahihirapan, para lang wag kami mabigyan ng kahit na anumang isipin, o pag-aalala.
          Walang ibang tao ang makakagawa nito para samin o satin kundi ang ating mga INA lang. Lagi nilang unang iniisip kung anu ang makakabuti sa atin kahit na wala ng matira para sa kanila, ayos lang. Dahil walang ibang mahalaga sa kanila kundi ang ating ikakabuti. Pahalagahan natin sila ng higit pa sa oagpapahalaga natin sa ating mga sarili. Hanggat maari iparamdam natin sa kanila na sa bawat araw na pinagdadaanan nila para lang mairaos tayo, ay iparamdam natin sa kanila ng triple ang kung gaano sila kahalaga sa atin. Hindi sa bawat oras ay nandyan sila para gabayan tayo. Kaya mahalin natin sila, ng higit pa sa pagmamahal nila sa atin.